#1 SITE FOR AIRLINE PROMOS HERE!


Personal - Top Blogs Philippines

This blog gained

Tagalog Love Quotes, Sad Tagalog Love Quotes, Tagalog Love Quotes for Broken Hearted, Pinoy Banats, Pinoy Pick-up Lines, Pinoy Jokes, The Blogger's Thoughts, Love Talk, Relatable Posts and more Quotes collection.

RH Bill Philippines


RH Bill

Mainit na pinagdedebatehan ng mga Senador, Kongresista at mga simpleng mamayan ang tungkol sa RH Bill (Reproductive Health Bill). Kung isasabatas ba ito o hindi?

Ano ang layunin ng RH Bill? Ayon sa pinapalabas, ang layunin ng RH Bill ay para “daw” tulungan ang mga mahihirap na mamayan sa pamamagitan ng pamumudmod ng condoms at contraceptives. Dito “daw” mapapatigil ang bilis na pagdami ng populasyon dito sa Pilipinas na siyang nagdudulot ng kahirapan.

Dahil dito, naglabasan ang mga mamamayang Anti RH Bill na gustong ibasura ang batas na ito at may mga Pro RH Bill din na gustong ipasa ang batas na ito dahil sa tingin nila ay makakatulong ito sa pagtigil sa paglaki ng ating populasyon.

Im not a Pro or an Anti. Ang sa aking opinyon lang naman ay hindi sagot o kasiguraduhan na solusyon ang pagpapatupad sa Bill na ito upang mapatigil ang mabilis na paglago ng ating populasyon. Nasa atin naman yun eh, kailangan lang ng disiplina sa sarili at sa ibang tao. Dapat alam natin ang limitasyon natin sa mga ganyang bagay upang sa gayon ay maiwasan ang pagdami ng ating populasyon. Siguro, may maitutulong din ang Bill na ito but we are not sure na kaya ba ng pondo ng Pilipinas ang magbigay ng mga libreng condoms o contraceptives sa mga mamamayan sa buong Pilipinas? At isa sa mga nakikita ko na masamang naidudulot ng Bill na ito ay hindi na matatakot ang mga kabataan ang makipagtalik sa kahit kanino dahil alam nilang hindi sila mabubuntis kahit gawin nila ang bagay na ito. Again im not against or pro with this bill, kailangan lang talagang maging RESPONSABLE tayo sa lahat ng ating ginagawa at kailangan lang natin ang DISIPLINA sa sarili.

How about you? Are you an Anti or Pro? Please use the comment link above kung ano ang saloobin mo tungkol dito.






7 September 2012
  1. jesusalwaysfindsaway reblogged this from dlanyerzone
  2. dlanyerzone posted this
 


© 2012 dlanyerzone All Rights Reserved
Some quotes posted here are not mine unless otherwise stated. All rights belong to the owners.