#1 SITE FOR AIRLINE PROMOS HERE!


Personal - Top Blogs Philippines

This blog gained

Tagalog Love Quotes, Sad Tagalog Love Quotes, Tagalog Love Quotes for Broken Hearted, Pinoy Banats, Pinoy Pick-up Lines, Pinoy Jokes, The Blogger's Thoughts, Love Talk, Relatable Posts and more Quotes collection.

Kawawang MMDA Traffic Enforcer



Una ko pa lang napanood ang video na ito sa TV5 ay sobrang awa ang naramdaman ko kay Mang Saturnino Fabros—MMDA Traffic Enforcer na sinapak ng isang walang awang tao na parang siya ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa mundo na nagngangalang Robert Alyas Blair Carabuena. Hindi ko man nasaksihan o alam ang totoong nangyari ay sobra akong nagagalit sa taong ito na wala man lang awa sa ginawa niya sa Traffic Enforcer na ginagawa niya lamang ang trabaho nito. Pero sapat na ang videong ito para mapatunayan na siya ay isang tao na kung umasta ay siya ang pinakamakapangyarihan. Dapat lang na parusahan ang taong ito para magtanda. Sana ay aksyonan ito ng pamahalaan upang hindi ito maulit muli. Ano man lang ang nararamdaman ng pamilya ni Mang Saturnino sa ginawa nila sa kanya? Di ba ang sakit? Ang sakit isiping may mga taong ganito. Mang Satornino don’t deserve that! Nagpapakahirap siyang maging Traffic Enforcer sa isang napakainit na kalsada at hindi naman kalakihan ang sweldo tapos ganyan ang gagawin sa kanya? Walang puso!

Nanawagan ako na sana bigyan nila ng agarang aksyon sa nangyaring ito para magtanda ang mga dapat magtanda. Hindi makatarungan ang ginawa ng lalaking walang puso na ito. Dapat niyang maramdaman ang sakit na nararamdaman ngayon ni Mang Satornino at ng kanyang pamilya.


(video credits to the owner)






16 August 2012
  1. damnlovepain reblogged this from dlanyerzone
  2. dlanyerzone posted this
 


© 2012 dlanyerzone All Rights Reserved
Some quotes posted here are not mine unless otherwise stated. All rights belong to the owners.