#MakeUpTransformation - Most Epic

Thousands of netizens wordwide are now transforming themselves into prominent profiles in entertainment industry, sports, theater arts and the likes. This is a new popular trend in Instagram which had gone viral in the internet which was started 3 - 5 days ago.

Here are some of the most epic, funny and interesting #MakeupTransformation gathered in different social media hubs:

Justin Bieber
Brad Pitt

Stevie Wonder
The Trashcan
Ana of Frozen
Loki
Boo
BORAT
Aleng Maliit
THOR
Bruce Lee
Bruno Mars
Crinkles
Half CAT / Half Human
Michael Jackson
Nicki Minaj
JACOB of Twilight
Paolo Bediones


More #MakeupTransformation to come!

August 16, 2014 VIEW POST

Typical Love Advices

PILI PO KAYO NG 1-16 na number tapos hanapin niyo ang numerong napili niyo sa baba at yun ang advice ko sa’yo tungkol sa love life mo. Pero oooops di ko sinasabing gawin mo ah? Nasa sa inyo parin po yan kung ano ang gagawin niyo. Haha!

(Source: dlanyerzone.com)

August 10, 2014 VIEW POST

Tagalog Jokes

Okay! Down na down ka ba today? May mabigat ka bang nararamdaman? O naghiwalay ba kayo ng jowa mo? O di kaya’y sinisingil ka ng utang mong dalawang taon nang di mo nababayaran sa kumare mo? Nai-stress ka ba dahil sa mga dumating na bills mo at malapit na magdue-date? O gusto mo ng maglaho na lang na parang bula dahil sa dika nawawalan ng problema? Oooops! Sana makatulong itong mga Tagalog Jokes na ito sa iyo. Halina at tumawa kahit saglit lang para naman gumaan ang pakiramdam mo. Para naman mabawasan ang mabigat na iniisip mo. At para mawala ang mga kulubot sa noo mo. Di joke lang! Hahaha. Okay! So ilan lamang ang mga ito. Sana magustuhan niyo.

JUAN: Nay alam nyo pinatayo ako ni itay sa bus para ibigay upuan ko
sa babae!
INAY: Anak magandang asal yun!
JUAN: Kahit nakakandong po ako kay itay?

INAY: Bat ka umiiyak?
BERTING: Si kuya po sinabihan ako PANGIT!
INAY: Totoo ba sumbong ng kapatid mo?
JUAN: Wag po kau maniwala sa sinasabi ng pangit na yan!

TEACHER: Juan, give me a sentence.
JUAN: Ma’am is beautiful, isn’t she?
TEACHER: Very good! Please translate in tagalog.
JUAN: Si ma’am ay maganda, hindi naman di ba?

Dad: Mabait ba ang boyfriend mo?
Anak: Yes, Daddy.
Daddy: Maka-Diyos?
Anak: Sobra Dad.
Daddy: Nasaan siya?
Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!

GF: I’m warning you! darating na si daddy within 1 hour!
BF: Eh ano ngayon? eh wala naman tayong ginagawang masama ah!
GF: Kaya nga! kung may plano ka, DALIAN MO NA!!
Pedro: Ano ulam nyo?

Juan: Blanched green leafy veggie with crushed sweet tomatoes in sparkling salted sea food.
Pedro: Wow! Ang sarap nun.! Ano un Juan?
Juan: Talbos ng kamote at bagoong na may pinisang kamatis.. Kayo Pedro, Ano ulam nyo?
Pedro: Fish fillet del el ninyo.
Juan: Wow sosyal! Ano yun Pedro?
Pedro: TUYO!

(Source: dlanyerzone.com)

August 8, 2014 VIEW POST

Dear Self

Dear self,

Pwede bang itigil mo na? Tama na. Maawa ka sa sarili mo. Nagmumukha ka nang tanga sa harapan niya at sa harapan ng ibang tao. Di mo ba naiintindihan na ayaw na niya sa iyo? Na hindi na ikaw ang nagpapasaya sa kanya? Na hindi na ikaw ang mahal niya. Hindi pa ba sapat ang pinapakita niya sa’yo para tumigil ka na sa pangungulit sa kanya? Hindi ba sapat ang lahat ng yan para sabihin sa sarili mo na tama na dahil wala na talagang pag-asa?

Sinasayang mo lang ang effort mo sa kanya dahil wala naman na siyang pake sa iyo at sa nararamdaman mo di ba? Hindi mo ba maisip yun? Oo manhid siya dahil di niya alam kung gaano ka na nasasaktan pero ikaw nagpapakatanga padin. May magbabago ba kapag magparinig ka o itxt siya para magmakaawa na bumalik siya sa’yo? Wala diba? Ginagawa mo lang kawawa ang sarili mo.

Ilagay mo sa utak mo na di ka na niya MAHAL. Oo masakit na kung masakit pero yan ang katotohanan. Sadyang may mga tao lang talagang magpaparamdam sayo kung gaano kasarap ang magmahal at ang mahalin. Pero hindi yun permanente. Darating yung araw na iiwan ka din. Yun ang katotohanan. Walang permanente dito sa mundo. People come and go. Masanay ka na! Tanggapin mong iba na ang nagpapasaya sa kanya. Tanggapin mong parte ka na lang ng nakaraan niya na pilit niyang kinakalimutan. Tama na, para sa iyo din yan. Hindi lang siya ang tao dito sa mundo. Hindi siya ang taong nakalaan sa iyo. Bakit di mo ayusin ang sarili mo at ipakita mo sa kanya na kaya mong mabuhay kahit wala siya? Pinapalaki mo lang ang ego niya sa pinapakita mong yan. Move on na!

Ikaw? Ano ang gusto mong sabihin sa sarili mo? :-)

(Source: dlanyerzone.com)

August 6, 2014 VIEW POST

#RIPEnglish

Isa ka rin bang natatawa sa tuwing may nakikita kang nagpopost ng status sa Facebook o nagtutweet sa Twitter ng English pero mali-mali ang grammar o spelling? Hindi naman sa minamaliit natin sila, sobra lang kaseng napapangiti ka kapag nababasa mo ang mga ito. Oh atleast, they are trying their best para makapagsalita ng English. Kaya nga ayaw kong nagpopost ng English kase baka mali mali grammar ko. Hahaha!

Siguro isa ka rin sa libo-libong followers ni Senyora Santibañez sa Twitter at Facebook. Maaring isa ka rin sa nakikitawa sa mga pinopost niyang mga screenshots galing sa mga user ng FB at Twitter na kung saan may mga nakakatawang posts dahil sa mali-mali nitong mga grammar at spelling na may hashtag na #RIPEnglish. Oo? Oh di ba di mo maiwasang matawa? Aminin mo haha. O kung hindi naman, narito ang ilang mga posts niya na may hashtag na #RIPEnglish:

(Source: dlanyerzone.com)

August 6, 2014 VIEW POST

Letting Go

Gaano nga ba kahirap pakawalan ang taong minamahal mo? Gaano ba kahirap igive up ang lahat ng inyong pinagsamahan? Gaano ba kahirap pakinggan siya habang sinasabi niyang ayaw na niya? Gaano ba kasakit ang maramdamang di ka na mahalaga sa kanya at hindi na ikaw ang buhay niya?

Ikaw? Minsan ka na rin bang nagletgo ng isang taong mahalaga at sobrang mahal mo? Minsan mo na rin bang pinakawalan ang taong nagpapasaya sa’yo para lang maging maging masaya siya sa piling ng iba? Masakit dahil kailangan mong tanggapin na wala na kayo. Mahirap sapagkat kailangan mong sanayin ang sarili mo na wala na siya sa buhay mo. Na wala ka nang karapatan sa kanya. Na iba na ang nagmamay-ari sa puso niya.

Let him/her go kung yan ang gusto niya. Hindi ka naman tanga upang pilitin mo siyang manatili sa piling mo pero alam mo namang iba ang tinitibok ng puso niya, di ba? Bakit hindi mo siya hayaang iwan ka? Bakit hindi mo siya hayaang maging masaya siya na di ka kasama? Sabi nga nila, ang pag-ibig ay parang ibon na kailangan mong pakawalan. Kung para sa’yo, babalik siya at kung hindi eh di kailangan mong tanggapin na di para siya sa’yo. Marami pa ang isda sa karagatan ‘ika nga.

LETTING GO OF WHAT YOU LVE IS DIFFICULT, BUT HOLDING ON TO SOMETHING THAT ISN’T MEAN FOR YOU IS IMPOSSIBLE.

Oo mahirap, pero kung ito ang makakapagpasaya sa kanya, ibigay mo. Hayaan mong maging masaya na dika kasama. Wag kang maging selfish. Mahal mo nga siya pero iba naman mahal niya. Ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin ang katotohanang hindi na ikaw ang mahal niya.

LET IT GO!

(Source: dlanyerzone.com)

August 6, 2014 VIEW POST

Tagalog Love Quotes

Ikaw, ilang ulit ka bang makatanggap ng Tagalog Love Quotes galing sa iyong kaibigan o minamahal sa iyong cellphone sa isang araw? Hindi mo siguro mabilang ano po? Tatlo? Apat? Tayong mga Pilipino ay napakahilig sa mga quotes lalo na kung ito ay tungkol sa pag-ibig. Alam mo naman, mga kabataan ngayon haha. Anyway! Tagalog Love Quotes are really so cool. Napakasarap basahin ang mga ito lalo na kung ito ay galing sa taong minamahal mo. Meron ding galing sa mga kaibigan mo na pinapadaan sa inbox mo minuminuto.

Aminin mo, napapangiti ka kapag binabasa mo ang mga ito diba? Lalo na kung galing ito sa crush mo, o sa bf/gf mo. Napapangiti ka lalo na kapag nakakarelate ka sa mga ito. Pero minsan hindi lahat ng Tagalog LOve Quotes na nababasa mo ay napapangiti ka dahil meron ding klase ng Tagalog Love Quotes na bigla ka na lang makakaramdam ng sakit sa puso mo at mapapaluha ka na lang bigla. Siguro dahil nararamdaman mo ang sakit na dulot ng quote na iyon. Ewan! Baste meron talagang mga ganon :-)

Bago pa humaba ang ating usapan, haha, narito ako para ibahagi ang 10 Best Tagalog Love Quotes sa inyo. These are not mine. Galing po ito sa inbox ko at sa internet. So here they are!

Lahat tayo naghahangad ng magagandang bagay, magandang kotse, magandang bahay, magandang sapatos, magandang damit, pero sakin isang magandang bagay lang ang hinahangad ko. IKAW. :)

Mahal kita pero hindi ko maipaglaban kasi wala akong karapatan. Wala akong titulong pinanghahawakan. Hindi ko maipaglaban ang pagmamahal ko para sayo, dahil wala namang tayo.

Ang isang RELASYON ay hindi binubuo ng iSANG LiBONG PANGAKO at iSANG LiBONG KONDiSYON. Ito’y pinatatatag ng dalawang kLase ng tao. Isang marun0ng MAGTIWALA, at Isang marun0ng UMUNAWA

Wag mong mahalin ang taong nagsasabi na mahal ka lang kapag may oras siya. Mahalin mo yung taong kahit hindi niya sabihin na mahal ka, makikita mo namang lagi ka niyang inuuna kahit busy siya.

Kapag nagmahal ka, dapat mahal lang. Wag mahal na mahal. Para kapag nasaktan ka, masakit lang. Hindi masakit na masakit.

Masaya ako dahil nakilala kita, masaya ko dahil kasama kita, masaya ako dahil nandito ka sa bawat sandali ng buhay ko. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong maramdaman ang tunay na kahulugan ng salitang “pagmamahal.”

Ganun kasi madalas.. Di porket malambing sayo ngayon eh ganun pa rin kinabukasan. Kaya dapat huwag lalagay ang loob mo sa mga simpleng bagay na yun. Huwag ka agad mag assume na may something na mangyayari. May mga pangyayari lang talaga sa buhay na pinalalasap lang pero hindi tumatagal.

Hindi mo naman kailangang ibigay ang lahat lahat para lang mapasaya mo ang taong mahal mo. Yung maipadama mo lang na siya na yung taong para sayo, sapat na yon para masabi niyang mahal mo siya talaga.

Hindi tanga ang taong nagmamahal kahit nasasaktan na. Mas tanga ang taong minamahal na nga ng sobra nakukuha pang magmahal ng iba.

Ang pag-big ay hindi sapat na basta sinasabi lang… kailangan ito’y ipinapadama upang magkaroon ng katuturan at katuparan ang pag-iibigan at upang ang isang relasyon ay magkaroon ng kabuluhan at hindi basta basta mabubuwag ng sinuman.

(Source: dlanyerzone.com)

August 5, 2014 VIEW POST

After Break Up

Sabi nila, ‘wag ka daw malungkot kapag iniwan ka ng taong mahal mo dahil pagkakataon mo na daw yun para matagpuan ang taong mas higit pa sa kanya, pero anu pa man ang sabihin nila, hindi mo talaga maiiwasan ang malungkot lalo na kapag mahal na mahal mo ang taong nang-iwan sa’yo.

After break-up, hindi mo talaga maiwasan ang malungkot. Hindi mo maiwasan ang umiyak, ang magmukmok, ang mawalan ng gana at kung anu-ano pa. Bakit may mga tao pa kasing darating at papasayahin ka pero aalis din after at kakalimutan ka? Ganon ba talaga ang pag-ibig? Yung kailangan mong masaktan ng bonggang bongga? Sabi nga nila, kapag nagmahal ka, ‘wag mong ibigay ang lahat. Magtira ka para sa sarili mo. Kapag nagmahal ka, dapat ‘mahal’ lang at hindi ‘mahal na mahal’ para kapag nasaktan ka, ‘masakit’ lang at hindi ‘masakit na masakit’. Sabagay tama nga!

Alam ko after break-up, hindi parin natin maiiwasan ang umasa na sana magkakabalikan kayo. Na sana magtetext siya at sasabihing mahal ka parin niya at gusto niyang makipagbalikan. Nandiyan yung lagi mong tinitignan ang cellphone mo at nagbabakasakali kang nagtext siya. Nandiyan din ang pagstalk mo ng profile niya sa FB at baka sakaling nagpost siya na mahal ka parin niya.

Oo ganon nga ata talaga kapag nagmahal ka. Parte na nito ang masaktan ka. Pero dito tayo natututo hindi ba? Dito tayo nakakakuha ng lessons upang sa susunod na makikipagrelasyon tayo ay alam na nating kung ano ang hindi at dapat na gawin. Masakit nga talaga ang maiwan ng taong minamahal pero isa lamang itong dahilan ng Panginoon para malaman natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka. Na kailangan mo ring masaktan para matuto. Na kailangan mong masaktan para lumakas. Na kailangan mong masaktan para tumibay. Na kailangan mong masaktan para sa susunod na pahina ng iyong buhay ay mas makakaya mong harapin ang anumang pagsubok na dumating sa inyong dalawa.

Oo nga’t wag kang malungkot after break-up pero kailangan mong ilabas ang sakit na nararamdaman mo. Umiyak ka, sumigaw ka! Lahat yan makakatulong sa iyo. Pero please, wag mong sabihing wala ka nang ganang mabuhay dahil wala na siya. Hindi, sa una lang yan masakit at mahirap pero balang araw masasanay karin na wala siya. Masasanay ka sa sakit at makakalimutan mo siya. At tiyak, ito na ang pagkakataon mong mahanap ang taong mas karapat dapat sa pagmamahal mo.

Read also this -> Pano mag move-on?

August 5, 2014 VIEW POST

Tag-ulan Moments

Tag-ulan na naman! Napakabilis ng araw ‘no? Di mo pa nga naeenjoy ang summer pero eto’t araw na ng tag-ulan. Uso na naman ang baha sa ilang mga lugar. Uso na naman ang mga pampainit na pagkain. Uso na naman ang mga panlamig na kasuotan. Lalabas na naman ang galing mo sa page-emote habang nasa bintana ka at pinapanood mo ang pagbagsak ng ulan sa lupa habang nakikinig ng theme song niyo ng Ex mo. Haha! Nakakainis kase di ka makalabas kasama ang mga kaibigan mo at wala kang magawa kundi ang magmukmok sa kwarto mo. Pero alam mo kung ano ang maganda kapag umuulan? Para sa mga estudyante, hinihintay ang pagannounce sa TV or radyo ang class suspensions. Haha! Pero hindi ibig sabihin na kapag umulan na eh wala nang klase ah?

Pero paano nga ba talaga i-enjoy ang tag-ulan? Ilan lamang ang mga ito para maenjoy natin ang buhay-bahay kapag tag-ulan.

1.KUMAIN NG PAMPAINIT NA PAGKAIN.
Oh di ba? Kapag umuulan ewan ko ba kung bakit ang sarap kumain. Sumasarap talaga ang lasa ng pagkain kapag umulan , hindi ba? Madalas kumakain o umiinom tayo ng pampainit para maibsan ang lamig na nararamdaman natin. Ilan lamang ang mga ito ay ang mga champorado, kape, sopas at kung anu-ano pa.

2.MANOOD NG MOVIE O MAGBABAD SA HARAP NG LAPTOP.
Malamang ito ang mostly ginagawa natin kapag tag-ulan hindi ba? Epektibo itong pampalipas ng oras. Pwede mong aliwin ang sarili mo sa panonood ng pabrito mong love story na dinownload mo pa sa Torrent para dika maboring. O pwede ka na ring magstatus o magtweet minu-minuto. O di kaya’y kunan mo ang sarili mo at magselfie ka tapos ipopost mo sa Facebook o Twitter.

3.MALIGO SA ULAN.
Hindi ba’t nakakamiss ang maligo sa ulan? Oh diba? Alam kong natry mo na to nung bata ka kasama ang iyong mga kaibigan. Oh bakit, di na ba pwedeng gawin yan ngayon? Pwede kaya! Yayain mo ang mga kaibigan mo at maligo kayo sa ulan. Libre shower nayan. Hahaha.

4.MATULOG.
Ofcourse, hindi mawawala ang MATULOG! Sino pa nga ba ang ayaw matulog? Oras na ito para magpahinga. Ang sarap kayang matulog habang umuulan lalo na sana kung katabi mo ang mahal mo pero dahil wala, wala kang magagawa kundi unan na lang ang pwede mong yakapin. Haha!

Oh ayan! Andamin pwedeng gawin kapag umuulan. Kaya ‘wag kang malungkot o mainis kapag uulan. Ikaw? May maidadagdag ka pa ba sa listahan na nasa taas? Maari mo kaming kontakin o ilagay lang ang suhestiyon sa baba. Salamat!

(Source: dlanyerzone.com)

August 5, 2014 VIEW POST